Ilang lansangan sa Caloocan City at Quezon city ang apektado ng road repairs at reblocking ng DPWH ngayong weekend.
Ayon sa MMDA nagsimula na ang reblocking alas 11:00 kagabi hanggang alas 5:00 ng madaling araw ng Lunes, January 22.
Dahil dito pinayuhan ng MMDA ang mga motorista na iwasan ang mga kalsadang apektado ng reblockings at repairs
Kabilang dito sa Southbound ang Bonifacio Avenue mula Bulusan St hanggang Calavite St sa Quezon City, middle at inner lanes.
Sa Northbound apektado ng repair at reblocking ang Visayas Avenue sa harap ng NFA Office -Inner lane, EDSA northbound mula Howmart hanggang Oliveros-Fifth lane Congressional Avenue extension, Miranilla gate, Quezon City- third lane Bonifacio Monumento Circle sa Caloocan City
Bukod pa ito sa P. Garcia avenue mula P. Castanieda St hanggang Pook Aguinaldo St., Quezon City – Inermittent, second lane Congressional Avenue mula EDSA hanggang Cagayan, Quezon City -first lane at Quirino Highway malapit sa Sacred Heart of Jesus sa Quezon City -inner lane.