Nanawagan si Caloocan Bishop Pablo Virgilio David sa publiko na iwasan na hangga’t maaari ang paggamit sa plastic na siyang nakasisira sa kalikasan
Ginawa ng obispo ang panawagan kasunod ng idinaos na Walk For Creation ng simbahang katolika kaninang umaga
Paliwanag ng Obispo, mainam na ugaliin ng lahat ang Ecological Solid Waste Management o ang tamang paghihiwalay ng mga basura sa nabubulok, mga hindi nabubulok at maaari pang i-recycle
Batay sa pagtaya ng mga Organizer sa nasabing Event, aabot sa 700 ang nakilahok sa ikinasa nilang aktibidad kung saan, kaniya-kaniyang gimik ang iba’t ibang mga grupo upang ipakita ang kanilang suporta sa kalikasan