Nanawagan si Caloocan Bishop Pablo David sa lahat ng parokya sa kanyang nasasakupan na hikayatin ang mga kabataan at mga first time voters na magparehistro para makalahok sa nalalapit na halalan sa susunod na taon.
Sa isang pahayag, sinabi ni Bishop David na ang pagboto ay karapatan at tungkulin ng bawat Pilipino.
Giit nito na oras na hindi magparehistro ang isang pilipino ay sinasayang nito kanyang pagkakataon na magkaroon ng kulay ang kanyang political life.
Kung kaya’t binigyang diin ni David na oras na makilahok ang bawat isa ay laging matatamasa ng bansa ang karapat-dapat na lider.
Mababatid na sa kasalukuyang datos ng Commission on Elections na aabot na sa 60 milyon ang nagparehistrong botante para sa susunod na eleksyon.