Nahalal bilang bagong Pangulo ng CBCP si Caloocan Bishop Pablo Virgilio David.
Kasunod na rin ito nang unang araw ng two day online plenary assembly ng mga obispo.
Bago maging Pangulo ng CBCP, ang anim naput dalawang taong gulang na si david ay nagsilbing vice president ng CBCP simula pa noong Disyembre 2017 at naging katuwang ni CBCP outgoing President Romulo Valles.
Si David ay lantad ding kritiko ng drug war campaign ng Pangulong Rodrigo Duterte kaya’t ilang beses nang nakastigo ng punong ehekutibo sa paggamit aniya ng pulpito para atakihin ang gobyerno.
Samantala, si Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara ay nahalal namang Vice President ng CBCP.