Pinag-aaralan na rin ng lokal na pamahalaan ng Caloocan City na maghain ng reklamo laban sa North Luzon Expressway Corporation (NLEX).
Kaugnay pa rin ito ng mga aberya sa RFID cashless transaction collection scheme ng tollgate na nagdudulot naman ng matinding trapiko.
Gayunman, pinagbigyan muna ni Caloocan City Mayor Oca Malapitan ang hiling ng NLEX na makapagpaliwanag sa pamamagitan ng isang pulong.
Sinabi ni Malapitan, nakahanda siyang malaman ang ilalatag na solusyon at pagtugon ng NLEX sa naturang isyu.
Una na ring inihayag ni San Fernando, Pampanga Mayor Edwin Santiago na plano na rin niyang gayahin ang hakbang ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela City.
Nararapat lamang aniya na harapin ng NLEX Corporation ang mga LGU’s na apektado ng matinding trapiko dulot ng problema sa kanilang RFID system.