Tila naging ‘killing field’ na ang Caloocan City.
Ayon ito kay Caloocan Congressman Edgar Erice matapos mapatay sa lungsod sina Kian Loyd Delos Santos at Carl Angelo Arnaiz.
Sinabi ni Erice na nababalewala ang pagsisikap ng local government na ayusin ang ekonomiya ng lungsod dahil sa imahe na magulo at killing fields ang Caloocan.
Bukod sa mga kaso nina Delos Santos at Arnaiz, ipinabatid ni Erice na nakapagtala na rin ng ilang kaso ng pagpatay sa lungsod na kinasasangkutan naman ng hindi pa nakikilalang grupo.
Tinukoy ni Erice ang isa sa mga kaso nang pagpatay noong Setyembre 2016 sa 17 anyos na si Albert Samson na pinasok ng labing lima (15) katao sa kanilang bahay sa Kabulusan Dos, Barangay 20 at pinagbabaril ito.