Namahagi ng mga bag at school supplies sa mga elementary school student ang Caloocan City Government.
Kabilang sa mga nakatanggap ang mga mag-aaral ng Kinder hanggang Grade 6 mula sa bagong Barrio Elementary School, Morning Breeze Elementary School, at Andres Bonifacio Elementary School.
Ayon kay Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan, layunin ng lokal na pamahalaan na mahikayat at ganahan ang mga estudyanteng mag-aral kasabay ng pagbabalik ng face-to-face classes.
Naniniwala si Malapitan na sa pamamagitan ng naturang programa, malaki ang maitutulong ng mga kagamitan sa edukasyon ng mga mag-aaral.
Nanawagan naman ang Alkalde sa mga magulang ng mga bata na gabayan at gawin ang tungkulin para sa kanilang mga anak upang mas magkaroon ng inspirasyon ang mga ito na makatapos ng pag-aaral at maabot ang kanilang mga pangarap.