Nangunguna sa listahan ng may pinakamaraming kaso ng coronavirus diseae 2019 (COVID-19) sa CAMANAVA area ang lungsod ng Caloocan na nakapagtala ng 51 kumpirmadong kaso nito, habang apat katao ang nakarecover dito.
Sinundan ito ng lungsod ng Valenzuela na may 21 kaso at isang naka-recover.
Habang sa Navotas naman ay may pitong kaso ng COVID-19 na itinuturing na pinakamababa sa buong CAMANAVA area, bagama’t kakaunti ang positibong kaso rito, wala pang naitatalang nakarecover sa virus.
Kasunod nito, nanawagan ang mga lungsod sa CAMANAVA sa mga residente nito na manatili sa kani-kanilang bahay at sundin ang ipinatutupad na alituntunin ng gobyerno kontra COVID-19.