Itinanghal na “Most Trusted Police Station” ang Caloocan-Philippine National Police batay sa 2017 survey na ginawa ng NAPOLCOM o National Police Commission.
Ito’y sa kabila ng kontrobersiyang kinasangkutan ng mga Pulis Caloocan kaugnay sa sunod-sunod na pagkamatay ng mga menor de edad.
Ikinagulat naman ito ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa na aniya’y isang positibong resulta matapos ang ginawang pagpapalit sa buong hanay ng Caloocan-PNP noong nakaraang taon matapos ang masangkot sa nasabing isyu.
Samantala, pumangalawa sa listahan ang Quezon City-PNP, pangatlo ang Marikina-PNP habang pinakahuling pinagkakatiwalaan sa 14 na police stations sa National Capital Region ang Mandaluyong-PNP at Valenzuela-PNP.
Hindi naman umano ikinagulat ni Dela Rosa ang pagiging huli ng nasabing dalawang istasyon ng pulisya dahil sa kapansin-pansin na pagiging matamlay nito lalo na pagdating sa kampaniya kontra iligal na droga.
Kasabay nito, tiniyak ni Dela Rosa na kaniyang paalalahanan ang mga namumuno sa Mandaluyong-PNP at Valenzuela-PNP na mas pagbutihin pa ang kanilang trabaho.
Posted by: Robert Eugenio