Contact-tracing kasunod ng nangyaring hostage-taking sa bahagi ng C3 road noong weekend.
Ayon kay PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar, maglalabas sila ng memorandum para paalalahanan ang mga pulis hinggil sa mga umiiral na protocol tuwing may hostage-taking at kahalintulad na insidente uapng maiwasan ang pagkakaroon ng super spreader event.
Kasabay nito, sinabi rin ng PNP Chief na dapat tiyakin ng mga pulis na malayo sa publiko ang insidente batay sa umiiral na Police operational procedure tuwing may hostage-taking upang maiwasan din itong humantong sa mas malalang sitwasyon.— ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)