Suspendido ng isang game at pinagmumulta ng P10,000 si Magnolia Hotshot Guard Calvin Abueva matapos ang unsportsmanlike foul na nagawa nito sa laban kontra Ginebra San Miguel Gin Kings.
Magugunitang na-eject si Abueva sa laro sa panalo ng Hotshots laban sa Gin Kings makaraang tawagan ng dalawang magkasunod na technical foul.
Ipinataw ng PBA ang parusa dahil sa ‘unsportmanlike conduct’ ni “the beast” at nang tawagan ito ng ikalawang technical dahil sa alitan kay Ginebra guard Nards Pinto.
Inihayag ni PBA Commissioner Willie Marcial na binalaan na nila si Abueva na sa oras na maulit ang parehas na violation ay kanila itong sususpindihin.
Sa kanya namang Instragram account inilabas ni Abueva ang kanyang pagkadismaya, kung saan nagbanta pa itong aalis sa magnolia at lilipat sa Japan kapag may naipakitang video na siya ang may kasalanan kaya na-eject.