Halatang sabik nang makabalik sa PBA si Phoenix Pulse star forward Calvin Abueva.
Ito’y makaraang aminin ni Abueva na sumalang siya sa drug test at psychological therapy na ilan sa mga kondisyon ni PBA commissioner Willie Marcial bago siya makalaro muli sa liga.
Matatandaang pinatawan ng indefinite suspension ng PBA si Abueva makaraang komprontahin ang girlfriend ni Ray Parks Jr. at makipag-away pa kay TNT import Terrence Jones.
Sinasabing may apat pang therapy session si Abueva pero naantala ito dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.