Pasok na sa finals ang koponan ng Cam Sur Express, matapos nilang wakasan ang kampanya ng Zambales Eruption sa semifinals ng NBL Chairman’s Cup season 2023-2024.
Clean 2-0 ang ginawa ng Cam Sur sa best-of-three series kung saan natapos ang laban na mayroong final score na 100 to 74.
Tila sumubok ng ibang paraan ang parehong coaches dahil sa unusual check in para sa starters. Determinado mang lumaban ang Zambales para sa game three, hindi nila napigilan ang manpower ng Cam Sur.
Bukod sa home-court advantage, nakatulong sa panalo ng Cam Sur ang hot shooting ni Joshua Ayo, na gumawa ng 21 points, kung saan ang lima rito ay mula sa three-point line. Mayroon din siyang 6 assists at 3 steals.
Ayon kay Joshua, hindi dahil pasok na sila finals, ay dapat nang mag-celebrate. Ia-assess daw mula nila ang mga nangyari, at pag-aaralan ang susunod na makakalaban.
Dagdag pa niya, bukod sa pagpaplano, kailangan din nilang palakasin pa ang kanilang teamwork o chemistry. Para sa finals, hundred percent silang ready.
Mapapanood pa rin ang NBL Chairman’s Cup dito sa ALIW Channel 23! – sa panulat ni Ralph Dela Cruz