Nagboluntaryo si Camarines Sur Representative Luis Raymund “L-Ray” Villafuerte na tatalima siya sa 90-day suspension order sa kanya ng Sandiganbayan.
Ito’y habang nagpapatuloy ang graft trial sa Kongresista.
Nakasaad sa ipinadalang sulat ni Villafuerte kay House Speaker Pantaleon Alvarez noong Disyembre 01, na ise-serve niya ang suspensyon sa kanya mula December 15, 2016 hanggang March 15, 2017.
Nag-ugat ang suspensyon kay Villafuerte dahil sa kasong graft na kinakaharap nito may kaugnayan sa umano’y maanomalyang P20-Million fuel purchase noong siya pa ay gobernador noong 2010.
By: Meann Tanbio