Patuloy na makakaranas ng off-peak daily water interruptions mula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng umaga ang mga residente sa Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela (CAMANAVA) area hangang Abril 15.
Ayon sa Maynilad, ito ay bunsod ng pagtaas ng demand sa tubig na dulot ng mainit na panahon.
Nabatid na kahapon dapat Abril 1, ang huling araw ng water interruption sa CAMANAVA bago ang inilabas na anunsyo ng Maynilad.
Samantala, pinayuhan naman ng Maynilad ang publiko na magtipid sa tubig at mag-ipon sa mga oras na mayroong supply. —sa panulat ni Mara Valle