Naghain ngayon ng Motion for Reconsideration sa CA o Court Appeals ang kampo ni Gov. Edgardo “Egay” Tallado ng lalawigan ng Camarines Norte kaugnay sa panibagong suspensyon na kinakaharap nito.
Ayon kay Sherwin Mata , tagapagsalita ng gobernador , naglabas muli ang korte ng desisyon hinggil sa pagsuspinde kay Tallado sa loob ng anim na buwan kaugnay sa parehong kasong kinasasangkutan nito.
Nauna rito , Disyembre ng nakaraang taon nang maglabas ang Office of the Ombudsman ng dismissal order para kay Tallado dahil sa kasong grave abuse of authority bunsod sa pagtanggal nito ng ilang empleyado ng provincial government.
Ngunit Pebrero nang makakuha sa CA ng Temporary Restraining Order ang kampo ni Tallado kaya nakabalik muli ito sa pwesto.
Tiwala naman ang si Mata na muling papaboran ng korte ang ihahain nilang Motion for Reconsideration.
SMW: RPE