Isinailalim na sa state of calamity ang lalawigan ng Camarines Norte bunsod ng pananalasa ng bagyong Usman na ngayo’y isang low pressure area na lamang.
Ayon kay Camarines Norte Gov. Edgardo Tallado, pinakanapuruhan ang kanilang kabisera na Daet kung saan, 70 porsyento ng lungsod ang lubog sa baha lalo na ang Maharlika highway.
Sa ngayon sinabi ni Tallado na apat ang napaulat na nasawi dulot ng nangyaring landslide sa bulubunduking bahagi ng Labo at Sta. Elena.
Pahirapan na rin ayon sa gubernador ang suplay ng tubig, kuryente gayundin ang signal ng mga communication devices sa kanilang lugar.
Samantala, pinag-aaralan na rin ng mga lalawigan ng Camarines Sur at Albay na magdeklara na rin ng state of calamity dahil sa pinsalang idinulot ng mga pag-ulang dala ng bagyong Usman.