Ibinaba sa magnitude 4.8 ang lindol na tumama sa Tinaga Island, Camarines Norte kaninang 5:57 ng umaga na unang napaulat na magnitude 5.3
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), may lalim ang pagyanig na isang kilometro at tectonic ang origin.
Naitala ng PHIVOLCS ang Intensity V sa Mercedes, Camarines Norte; Intensity IV sa Guinayangan, at Tagkawayan, Quezon; Intensity III sa Buenavista, at Lopez, Quezon; Naga City, Camarines Sur; at Intensity II sa Catanauan, at San Narciso, Quezon
Naramdaman naman ang Instrumental Intensity V sa Daet, Camarines Norte; Instrumental Intensity III sa Jose Panganiban, Camarines Norte; City of Iriga, at Ragay, Camarines Sur; San Roque, Northern Samar;
Instrumental Intensity II sa Alabat, Guinayangan, Gumaca, Infanta, Mauban, at Mulanay, Quezon; Pasacao, at Pili, Camarines Sur; at Instrumental Intensity I sa Marikina City; Pasig City; Pulilan, Bulacan; Calauag, Quezon; at Taytay, Rizal
Sinabi pa ng PHIVOLCS na inaasahan ang pinsala at aftershocks matapos ang lindol.