Nakapagtala ng “very high” COVID-19 positivity rate ang Camarines Sur at 14 pang lalawigan sa bansa.
Hanggang nitong August 6, ipinabatid ng OCTA Research Group na nakapagtala ang Camarines Sur ng positivity rate na 48.7% mula sa 30.3% nuong July 30.
Kabilang din sa nakapagtala ng mahigit 20% positivity rates ayon sa OCTA Group ang Isabela – 47.6% mula sa halos 36% nuong July 30, Tarlac – 41.9%, Nueva Ecija – 38. 4%, Pampanga – 35%, Laguna – 33.2%, Cagayan- 30 .5% at La Union – 29. 4%.
Sinabi ng OCTA Group na nasa very high positivity rates din ang Zambales, Albay, Quezon, Pangasinan, Benguet, Cavite at Rizal.
Gayunman, inihayag ng OCTA na bumaba ang COVID 19 positivity rate sa ibang lugar mula July 30-August 6.