Inilagay na sa ilalim ng red alert ang Camarines Sur dahil sa african swine fever (ASF).
Itoy matapos mag positibo sa ASF ang mga baboy mula sa barangay Sto. Domingo sa bayan ng Bonbon.
Ayon kay Camarines Sur Governor Migz Villafuerte, bawal muna pumasok sa kanilang lalawigan ang lahat ng buhay na baboy at meat products upang hindi na lumaganap pa ang ASF.
Naglagay na ng quarantine checkpoints ang pamahalaan ibat ibang lugar sa lalawigan.