Itinaas na sa red alert status ang buong probinsya ng Camarines Sur dahil sa malakas na ulan at hangin.
Ilang oras ito matapos tuluyang makapasok ng bansa ang bagyong paeng na isa nang ganap na tropical depression.
Sa inilabas na memorandum ni Governor Vincenzo Renato Luigi Villafuerte, ini-activate na ang mga emergency at incident management teams para matiyak ang paghahanda sa lalawigan.
Inatasan naman ang mga disaster officials sa lalawigan na i-monitor ang galaw ng bagyo upang malaman kung kailangan nang ilikas ang mga nakatira sa mga high-risk areas.
Sa ngayon, ipinatupad na ang ‘no sailing’ policy sa mga maliliit at malalaking bangka sa lalawigan para maiwasan ang disgrasya.