Nagpatupad na ng preventive evacuation sa mga lugar na posibleng maapektuhan ng bagyong Nina sa Camarines Sur.
Inatasan ni Camarines Sur Governor Miguel Luis Villafuerte ang mga lokal na opisyal partikular ang mga alkalde at mga barangay captain na ilikas ang mga pamilyang nasa nakatira malapit sa dagat, ilog at lawa gayundin ang mga nasa mabababang lugar.
Maging ang mga nakatira sa mga bahay na gawa sa light material ay inilikas din dahil sa inaasahang malakas na hangin na dala ng bagyo.
Nais ng gobernador na mailipat sa mas ligtas na lugar ang mga residente bago mag alas 3:00 ng hapon.
Inaasahang mag la – landfall ang bagyong Nina sa naturang probinsya bukas, mismong araw ng Pasko.
By: Rianne Briones