Flattered and very honored ngayon ang aktres na si Marian Rivera matapos siyang imbitahan ng head of state ng Cambodia sa nalalapit na 31st ASEAN summit na gaganapin sa bansa simula November 13 hanggang 15.
Ayon kay Marian, hindi siya sanay dumalo sa mga event gaya ng ASEAN pero walang rason para isnabin niya ang simpleng kahilingan ni Cambodian Prime Minister Hun Sen.
Dagdag pa ni Marian ay talagang nagulat siya nang may matanggap siyang imbitasyon mula sa isang mataas na lider ng bansa.
Nabatid na iniere sa Cambodia ang ilang soap operas ni Rivera.
—-