Lilimitahan na ng pamahalaang panlalawigan ng Camiguin ang galaw ng mga hindi bakunadong residente.
Ito’y matapos lagdaan ni Gov. Jurdin Jesus Romualdo ang panibagong direktiba na nag-aatas sa mga hindi fully vaccinated na manatili sa kanilang bahay, maliban sa mga papasok sa trabaho o bibili ng essential goods at iba pang serbisyo.
Ang mga walang bakuna pero kailangang pumasok ay kailangang magpakita ng identification at credentials tulad ng office o company ID o employment certificate, business permit para sa mga negosyante, at barangay certification para sa mga magsasaka at mangingisda.
Samantala, kailangang magpakita ng vaccination card ang mga papasok sa mga establisimyento.