Nagpositibo sa COVID-19 si Camilla, ang Duchess of Cornwall, ilang araw matapos ang kanyang asawang si Prince Charles of Wales.
Ayon sa tagapagsalita palasyo, ito ay nagdulot ng malaking alalahanin sa tagapag-mana ng trono ng Britain, dahil hindi malayo na maipasa ang virus sa kaniyang inang si Queen Elizabeth II, na nakasalamuha nito dalawang araw bago mag positibo.
Nauna nang nagpositibo si Prince Charles noong March 2020 at nag-isolate ito ng isang linggo sa Queen’s Balmoral Estate sa Scotland.
Samantala, nabatid na pareho nang nakatanggap sina Charles at Camilla ng booster at sa kabila ng pagiging positibo sa nakakahawang sakit ay patuloy ang panghihimok nila sa publiko na magpa-bakuna na rin. – sa panulat ni Mara Valle