Kinumpirma ng Cuban American singer song writer na si Camilla Cabello ang paghihiwalay ng kanyang karelasyon na si Canadian singer na si Shawn Mendez.
Sa kaniyang Instagram story, inihayag ni Camilla at Shawn sa kanilang supporters na nagdesisyon sila na tapusin ang kanilang relasyon ngunit ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa ay mananatili.
Bukod dito, sinabi rin ng dalawa na mananatili namang silang matalik na kaibigan at susuportahan ang isat isa.
Dagdag pa ng singer, nagsimula sila bilang mag bestfriend kaya mananatili na lamang sila bilang magkaibigan.
Pinasalamatan naman ng dalawa ang kanilang mga tagahanga sa walang suporta na ibinibigay sakanila simula pa nuong umpisa.
Magugunitang taong 2019 nang inanunsiyo ng dalawa ang kanilang relasyon at nagtambal sa kanilang kantang “Señorita” na humakot ng maraming awards at naging number 1 pa sa US billboard hot 100.