Nag-ala Hidiylyn Diaz ang aktres na si Camille Prats matapos niyang buhatin ang 65 kilo ng barbell.
Sa kaniyang Instagram account, makikita ang video na simpleng binuhat ni Camille ang barbell ngunit napasigaw ito sa dulo dahil sa tuwa.
Sinabi rin ni Prats sa caption ng video na si Eric Tai o kilala bilang “Eruption” ang naging coach niya upang mabuhat ang 65 kilo ng barbell.
Samantala, kinagiliwan at maraming na-inspire na netizens dahil sa very healthy at young looking na katawan ng aktres.—sa panulat ni Airiam Sancho