Ikinasal na ang aktres na si Camille Prats sa negosyanteng si John Yambao.
Isinagawa ang wedding ceremony sa Nayomi Sanctuary Resort sa Balete, Batangas na pag-aari ng pamilya Prats.
Ito na ang ikalawang beses na ikinasal ang TV host matapos ang pagpanaw ng dating asawang si Anthony Linsangan dahil sa cancer noong 2011.
Elegante ang pagkakagawa ng off-shoulder, laced wedding gown na ipinares sa silver tiara ng dating child star habang nakasuot ng three-piece suit kasama ang white dress shirt at bow tie si John.
Kabilang sa dumalo sa pag-iisang dibdib nina Camille at John ang kanilang mga pamilya at malalapit na kaibigan sa loob at labas ng showbiz industry.
By Drew Nacino