Nakaramdam ng kaba si Kapuso host Camille Prats nang sabihin sa anak na si Nathan na magkakaroon na siya ng kapatid.
Ito ayon kay Camille ay bagamat noon pa gustong magkaroon ng kapatid ng 9 na taong gulang niyang anak.
Natutuwa naman aniya siya na kakaibang saya rin ang naging reaksyon ni Nathan nang malamang magiging kuya na siya.
Ang ipinagbubuntis ni Camille ay unang anak nila ng ikalawang asawang si VJ Yambao.
Kasabay nito, sinabi ni Camille na nanganganay siya at kahit second pregnancy na niya, nagtatanong pa rin siya sa ilang mga friends niyang mga nanay na rin kung paano iingatan at mga kailangang gawin para sa isang safe pregnancy.
Ipinabatid ni Camille na iba-iba ang pinaglilihan niya subalit natutuwa siya dahil nasusunod ng kanyang asawa ang mga ipinabibili niyang pagkain depende sa kanyang mood.
By Judith Larino
Photo: Screengrab from camilleprats / Instagram