Nilinaw ng tagapagsalita ni Senador Grace Poe at Valenzuela Mayor Rex Gatchalian na hindi pinangungunahan ng mga campaign ads ng Senadora ang Korte Suprema.
Ayon kay Gatchalian, sumasalamin sa sentimyento ng mga tagasuporta ni Poe ang nilalaman ng mga political ads nito dahil para sa kanila hindi pa disqualified ang senadora.
Kauganay nito, muling binigyang diin ni Gatchalian na hindi pa pinal ang disqualification ni Senadora Poe dahil umiiral pa rin ang temporary restraining order (TRO).
Aniya, walang rason para i-delay ng COMELEC ang pag-imprenta ng mga balota dahil kandidato pa rin si Senador Grace Poe.
“Wala naman rason para i-delay pa ng COMELEC ang pag-imprenta ng mga balota dahil may temporary restraining order na umiiral so ang ibig sabihin nun kandidato pa rin si Senadora Grace Poe sa puntong ito, hindi po siya na-disqualify so dapat nandun siya sa balota.” Pahayag ni Gatchalian.
By Mariboy Ysibido | Balitang Todong Lakas