Aabot sa 623.2 million pesos ang ginastos ni President-Elect Bongbong Marcos sa kampanya para sa May 2022 Elections.
Naghain si Marcos ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) sa COMELEC, sa pamamagitan ng kanyang legal counsel.
Noon namang lunes ay idineklara ng Partido Federal ng Pilipinas, na political party ni Marcos, na umabot sa 272 million pesos ang nagastos nito sa katatapos lamang na halalan.
Inihayag ni Atty. Rico Alday ng PFP na ang nasabing halaga ay gastos lamang ng political party at malaking bahagi nito ay inilaan para sa television advertisements.
Mula anya sa 272 million pesos ay naglaan din anya ang partido ng malaking halaga para sa gastos naman sa mga rally.