Naniniwala si Congressman Harry Roque na kailangang bigyang prayoridad ang pagbalangkas sa campaign financing law.
Ito ay matapos mapag-alaman sa pagdinig ng House Committee on Justice hinggil sa drug trade sa Bilibid na nag-fund raising umano sa Bilibid si Senator Leila de Lima.
Bahagi ng pahayag ni Congressman Harry Roque
Sinabi ni Roque na maliban sa pagbibigay ng pondo ng pamahalaan sa pangangampanya ng mga kandidato, makabubuting ma-diskwalipika naman ang mga kandidato na gumamit ng maraming maruming pera.
Bahagi ng pahayag ni Congressman Harry Roque
House probe
Sapat na ang naging testimonya ng mga humarap sa pagdinig ng House Committee on Justice kahapon hinggil sa drug trade sa Bilibid.
Sinabi ni Congressman Harry Roque na maliban sa natahi ng mga ito ang mahahalagang bahagi ng mga testimonya ng ibang witness, napatunayan din ng mga ito ang pagkakaroon ng relasyon ni Senator Leila de lima sa kanyang bodyguard na si Ronnie Dayan at ang direktang pagtanggap nito ng pera.
Ayon kay Roque, hindi nadin mahalaga kung haharap na si Jaybee Sebastian sa kasunod na pagdinig.
Bahagi ng pahayag ni Congressman Harry Roque
By Katrina Valle | Ratsada Balita