Iginiit ni dating Senate President Franklin Drilon na hindi tamang dahilan ang pangangampanya para sa May elections, para ipagpaliban ang impeachment trial kay Vice President Sara Duterte.
Ayon sa dating senador, hindi katanggap-tanggap na dahil sa halalan, hindi nagagampanan ng senado ang mandato ng konstitusyuon na magsilbing impeachment court at talakayin ang reklamo laban kay VP Sara.
Hindi dapat aniya bigyang-katwiran ang pagpapaliban sa paglilitis dahil mandato ng 1987 constitution na gawin ang trial “Forthwith” o “Agad” sa oras na matanggap ang articles of impeachment mula sa Kamara.
Sinegundahan naman ito ni dating COMELEC Commissioner Atty. Rene Sarmiento, na isa rin sa mga bumuo ng 1987 Constitution.
Giit ni Atty. Sarmiento, isa sa novel addition ng 1987 Constitution na gawin ang impeachment trial nang walang patumpik-tumpik, at hindi ito makikita sa provisions ng 1935 at 1973 constitutions, maging sa US 1787 Constitution.
Kumbinsido naman si Political Analyst Ronald Llamas na ang desisyon ni Senate President Francis Escudero na simulan ang trial pagkatapos ng SONA ay posibleng dahil sa pressure mula sa mga kapwa-senador.
Maaari aniyang napagtanto ng mga ito na makakasama para sa kanila ang impeachment trial para sa 2028 elections, at mawawalan ng boto mula sa mindanao at mga miyembro ng religious group na Iglesia ni Cristo. – S