Magsisimula na bukas ang campaign period ng mga kakandidato para sa 2022 National Election.
Kaugnay nito, magsasagawa ng proclamation rally sina presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at running mate na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa Philippine Arena sa bayan ng Bocaue, Bulacan.
Nagpaplano namang lumipat sa sariling lalawigan sa Camarines Sur ang tambalan nina vice president Leni Robredo at senator Francis Pangilinan para simulan ang kanilang pangangampanya.
Magdaraos naman ng proclamation rally si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at ang kaniyang running mate na si Dr. Willie Ong sa kartilya ng katipunan, malapit sa Manila City Hall.
Maliban dito, sa grandstand sa lungsod ng Imus, Cavite magsasagawa ng pangangampanya sina presidential aspirant senator Panfilo Lacson at kasama nitong tatakbo na si senate president Vicente Sotto III.
Magsasagawa rin ng proclamation rally sina senator Manny Pacquiao at vice presidential running mate na si Lito Atienza sa oval stadium sa General Santos City.
Habang ang presidential aspirant na si Leody De Guzman at running mate na si Walden Bello ay magdaraos ng pangangampanya sa bantayog ng mga bayani sa Quezon City.— sa panulat ni Airiam Sancho