Inihayag ng Commission on Elections (COMELEC) na mula sa 60 araw, paiikliin na sa apatnapu hanggang 45 araw ang campaign period para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) Elections.
Ayon kay COMELEC chairman George Garcia, babawasan nila ang araw ng kampaniya ng mga kandidato upang maiwasang maharass ng mga tatakbo sa eleksiyon ang taumbayan.
Sinabi ni Garcia na wala pang pinal na desisyon sa paglipat ng mga petsa particular na ang araw ng pagsisimula ng election period, at gun ban kasabay ng paghahain ng Certificates of Candidacy mula October 6 hanggang 13.
Dagdag pa ni Garcia, maglalagay din ang National Printing Office (NPO) ng mga bagong feature sa mga balota na ascending serial number na makikita ng publiko partikular na ng mga botante.
Layunin ng ahensya na maipakita ang kanilang kahandaan sa paghawak ng eleksiyon anuman ang magiging sitwasyon o desisyon ng Kamara at Senado.