Sisikapin ng Philippine National Police (PNP) na mapanatiling mapayapa ang panahon ng kampanya para sa eleksyon.
Ayon kay Senior Supt. Bernard Banac Jr., Spokesman ng PNP, naging mapayapa sa pangkalahatan ang unang dalawang araw ng opisyal na kampanya para sa mga tumatakbong senador at party-list groups.
Umapela si Banac sa mamamayan na maging mapagmatyag at tumulong sa pagpapanatili ng kapayapaan lalo na sa panahon na mainit ang labanan sa eleksyon.
Sinabi ni Banac na sa ngayon ay wala pang opisyal na deklarasyon ang PNP kung election related ang ilang mga naitalang pagpatay ngayong election period.
“’Yung intense political rivalry ay ma-maintain natin na maging mahinahon at maiwasan ang pag-result sa violence, maging mapagmatyag ang ating mamamayan, tulong tulong tayo dito lahat. Nitong mga nakaraang linggo may mga ulat na insidente ng pagpatay at patuloy nating pinag-aaralan ‘yan kung ito’y maika-categorize sa election related incidence.” Pahayag ni Banac
(Balitang Todong Lakas Interview)