Inatasan ng Commission on Elections (COMELEC) ang lahat ng mga kandidato na alisin ang kanilang mga campaign materials na nakapaskil sa labas ng mga itinalagang common poster areas.
Babala ni COMELEC Chairman Juan Andres Bautista, kailangan itong gawin ng mga pulitiko bago ang campaign period upang hindi makasuhan ang mga ito ng paglabag sa election law.
Sinabi ni Bautista na mayroon lamang hanggang Pebrero 8 ang mga kandidato para tanggalin ang kanilang mga posters at streamers dahil papasok na ang campaign period sa Pebrero 9.
Giit ng COMELEC Chief, ang mga lalabag na kandidato ay maaaring makulong ng 6 na taon, ma-disqualify sa halalan o kaya’y sa pagtakbo sa anumang posisyon sa gobyerno, at maalisan ng karapatang bumoto.
By Jelbert Perdez