Nagpasa ng resolusyon si Makati City Second District Representative Luis Campos Jr. na kumukwestyon sa pagtanggal ng moratoryum hinggil sa pagtataas ng ATM fee.
Babala ni Campos, higit 50 milyong katao ang maaapektuhan pagtataas ng ATM fee dahil sa dami ng gumagamit ng transaksyong ito.
Dagdag pasakit din para sa mga minimum wage earners ang pagtataas dahil dalawang beses kung gamitin ang kanilang ATM at imbis na gamitin sa panggastos ay mababawasan lang sa ATM fee ang kanilang kinita.
Matatandaang noong nakaraang buwan ay inalis ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang moratoryum sa ATM hike fee na ipinatupad noong taong 2013.