Isinailalim na sa state of calamity ang Can-avid sa Eastern Samar dahil sa malakas na pag-ulan at pagbaha dulot ng low pressure area at shear line.
Sa Resolution no. 101 series of 2023 na ipinasa ng Sangguniang Bayan, layon nitong makapagpalabas ng pondo mula sa kanilang calamity fund upang makatulong sa mga apektadong pamilya.
Sa huling datos ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, papalo na sa 27,000 pamilya sa Eastern Samar ang apektado ng sama ng panahon o katumbas ng 90,000 indibidwal.
Nasa 15,000 pamilya naman ang nananatili ngayon sa evacuation centers matapos malubog sa baha ang kanilang mga tahanan.
Kahapon, una na ring isinailalim sa state of calamity ang Gandara Samar bunsod din ng malawakang pagbaha.