Niyanig ng magnitude 6.2 na lindol ang remote border area sa pagitan ng Canada at southeastern Alaska.
Ayon sa US Geological Survey (USGS), naitala ang epicenter ng lindol sa teritoryo ng Canada na matatagpuan sa layong 83 kilometro, hilagang kanluran ng Skagway, Alaska at may lalim na 2.2 kilometro.
Agad itong nasundan ng mga aftershocks na may lakas na 5.2 magnitude.
Wala namang naitalang nasugatan o namatay sa insidente at wala ring nasirang ari-arian.
By Meann Tanbio
Canada-Alaska border niyanig ng magnitude 6.2 na lindol was last modified: May 2nd, 2017 by DWIZ 882