Kinumpirma ni Prime Minister Stephen Harper na apektado na ng recession ang Canada.
Nangangahulugan ito na humina ang ekonomiya ng Canada sa unang kalahating taon dahil sa underspending o sobrang pagtitipid.
Ang Canada ang tanging miyembro ng Group of 7 o G-7 na pawang mayayaman at makapangyarihang bansa na apektado ng recession, simula pa noong 2008 global financial crisis.
Ito’y bunsod ng pagbaba ng presyo ng krudo sa World Market lalo’t ikalima ang Canada sa pinaka-malaking exporter ng mga oil product at epekto ng economic slowdown ng China.
Dahil dito, pinangangambahang marami na namang mawawalan ng trabaho sa Canada kabilang ang mga foreign worker gaya ng mga Pinoy.
By Drew Nacino