Magpapadala ng military equipment ang Canada at European Union (EU) bilang suporta sa Ukraine laban sa pananakop ng Russia.
Ayon sa EU, handa silang pondohan ang Ukraine sa pagbili ng mga karagdagang armas upang depensahan ang karapatan sa bansa laban sa puwersa ng Russia.
Sinabi ng EU na bukod sa pagsasara ng Airspace sa mga Russian Aircraft, mas lalo nilang hihigpitan ang mga sanctions laban sa Russia kasabay ng planong magpatupad ng measures laban sa Russian Ally na Belarus at pag-ban sa Russian state-owned television network.
Samantala, handa rin ang canada na magpadala ng mga Non-lethal protective military equipment sa hukbo ng Ukraine laban sa mga Russian Military Forces.
Kabilang sa mga kagamitan na ipadadala ng Canada ay ang bulletproof vests, helmet, gas mask at night vision equipment. —sa panulat ni Angelica Doctolero