Naglabas na rin ng travel advisory ang United Kingdom at Canada para sa kanilang mga mamamayan sa Pilipinas lalo sa Central Visayas.
Ito’y sa gitna ng naganap na bakbakan ng mga tropa ng gobyerno at mga hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf sa Inabanga, Bohol.
Inabisuhan ng British Foreign and Commonwealth Office at Canadian Government ang kanilang mga mamamayan na maging maingat at mapagmatyag sa pagbiyahe partikular sa Bohol at Cebu.
Ang UK at Canada ang ikatlo’t ikaapat na bansang naglabas ng travel warning sa Pilipinas matapos ang naganap na sagupaan sa Bohol.
Una ng naglabas ng kahalintulad na advisory ang US at Australia.
By Drew Nacino
Canada at UK naglabas na rin ng travel warning sa Central Visayas was last modified: April 12th, 2017 by DWIZ 882