Babawiin na ng Canada ang 6 nitong fighter jets na nakikiisa sa pagpulbos sa Islamic State sa Iraq at Syria.
Ayon kay Canadian Foreign Minister Stephane Dion, 2 porsyento lamang ang kanilang naipatutupad na airstrike kontra IS.
Dahil dito, naniniwala ang Canada na mas magiging epektibo ang kampanya nila kasama ang US lead coalition kung magpapadala ng mas maraming tropa ang Canada para sanayin sa pakikidigma ang Kurdish fighters sa Northern Iraq.
Sa kabila nito, tiniyak ng Canada na buo pa rin ang tulong at suporta sa kampanya kontra IS.
By Ralph Obina