Binantaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Canada kaugnay sa basurang itinapon sa Pilipinas.
Sa situation briefing sa Provincial Capitol sa San Fernando, Pampanga, sinabi ng pangulo na mayroon na lamang hanggang sa susunod na linggo ang Canada para hakutin pabalik ang kanilang basura.
Ayon sa pangulo, kapag hindi pa kinuha ng Canada ang kanilang basura ay siya mismo ang magpapadala nito sa naturang bansa sakay ng isang barko.
Dagdag pa ng pangulo, handa siyang awayin ang Canada kung magmamatigas ang mga ito ukol sa basurang kanilang itinapon sa Pilipinas.
Tila kinakaya-kaya umano ng Canada ang Pilipinas at hindi umano siya makapapayag sa ganitong trato sa mga Pilipino.
Awayin natin ang Canada. We will declare war against them. Kaya man natin ‘yan sila. Isauli ko ‘yan talaga. Ikarga mo ‘yan sa barko and I will advise Canada that your garbage is on the way, prepare a grand reception. Eat it if you want to.” Ani Pangulong Duterte.