Nagpalabas na ng travel advisory ang gobyerno ng Canada sa ilang bahagi ng China.
Nakasaad sa advisory ang pagbabawal sa mga Canadian na bumiyahe sa Hubei Province, Huanggang at Ezhou para makaiwas sa novel coronavirus (nCoV).
Samantala, nagpositibo na rin sa nCoV ang maybahay ng unang confirmed patient ng Canada.
Ayon kay Dr. David Williams, chief medical officer of health ng Ontario, ang ikalawang pasyente ay nasa kaniyang 50’s at wala pang ipinapakitang mga sintomas bagamat nasa self-isolation at mahigpit na minomonitor ng health officials.
Labing-siyam (19) na iba pang suspected cases ng coronavirus sa Canada ang mahigpit na tinututukan ng health officials nito.