Magdo-donate ang Canadian government ng karagdagang 1.9 million Canadian dollars o P70.2-M bilang pandemic assistance sa Pilipinas.
Ayon kay Canadian Ambassador to the Philippines Peter MacArthur, bukod pa ito sa 1.18 million Canadian dollars o P44.5-M na inanunsiyo nila nitong Hunyo 10.
Sinabi ni MacArthur na ang donasyon ay bilang dagdag na rin sa kasalukuyang proyekto ng Canada na Enhance Mother/Newborn/Child Health in Remote Areas through Health Care and Community Engagement (EMBRACE).