Naglabas ang Canada’s National Advisory Committee on Immunization ng bagong panuntunan sa pagbabakuna ng Astrazeneca COVID-19 vaccine sa 65 taong gulang pataas dahil sa kakulangan ng sapat na impormasyon sa efficacy rate nito sa nasabing age group.
Batay sa ulat ng Reuters, pinahihintulutan na lamang ng drug regulator ng Canada na turukan ng bakunang gawa ng Astrazeneca ang mga nasa edad 18 hanggang 64.
Matatandaang nauna nang nag-abiso ang Germany sa mamamayan nito na tanging edad 65 pababa lamang ang maaaring turukan ng nasabing bakuna.— sa panulat ni Agustina Nolasco.