Naglaan ng P45-M ang Canada bilang dagdag-ayuda sa laban ng Pilipinas kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa Canadian Embassy, kabilang sa mga ipinaabot nilang tulong ay ang mga personal protective equipment (PPE) tulad ng 120,000 N95 masks.
Bukod dito, magbibigay din ang Canada ng karagdagang 400,000 Canadian dollars o katumbas ng P15 milyon para sa proyekto nitong Sexual Health and Empowerment Philippines (SHE) project katuwang ang Oxfam.