Nakahandang maglaan ang bansang Canada ng sampung milyong Dolyar para magbigay ng scholarship sa mga kabataan mula sa ASEAN member countries na nagnanais mag-aral sa kanilang bansa.
Ito’y ayon kay Canadian Prime Minister Justine Trudeau sa pagharap nito sa ASEAN – Canada summit na bahagi ng ika-31 ASEAN Summit and Related Meetings sa PICC kahapon.
Kasunod nito, kinumpirma rin ni Trudeau na binanggit niya kay Pangulong Rodrigo Duterte na siyang chairman ng ASEAN ngayong taon ang hinggil sa usapin ng human rights at rule of law.
Ginawa ni Trudeau ang nasabing pahayag sa kabila ng babala ni Pangulong Duterte na hindi nito papayagan ang ibang mga bansa na maki-alam sa ipinatutupad niyang war on drugs.
Pakingan: ang tinig ni Canadian Prime Minister Justine Trudeau
Pero sa isinagawang pulong balitaan kagabi pagkatapos ng ASEAN Summit, sinagot ng Pangulo ang pahayag na ito ni Trudeau.
Pakingan: ang tinig ni Pangulong Rodrigo Duterte
Ulat ni Jopel Pelenio
SMW: RPE